Mangyari Lamang »
Mangyari Lamang
by Rico Abelardo
Mangyari lamang ay tumayo
ang mga nagmahal
nang makita ng lahat
ang mukha ng pag- ibig
ipamalas ang tamis
ng malalim na pagkakaunawaan
sa mga malabo ang paninginMangyari lamang ay tumayo rin
ang mga nagmahal at nasawi
nang makita ng lahat
ang mga sugat ng isang bayani
ipadama ang pait ng kabiguan
habang ipinagbubunyi
ang walang katulad na kagitingan
ng isang nagtayaMangyari lamang ay tumayo
ang mga nangangambang magmahal
nang makita ng lahat
ang kilos ng isang bata
ipamalas ang katapatan ng damdamin
na pilit ikinukubli
ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwataMangyari lamang ay tumayo
ang mga nagmahal, minahal at iniwan
ngunit handa pa ring magmahal
nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
ipamalas ang katotohanang nasaksihan
nang maging makahulugan
ang mga paghagulgol sa dilmAt sa mga nananatiling nakaupo
mangyari lamang ay dahan- dahang tumalilis
papalabas sa nakangangang pinto
umuwi na kayo
at sumbatan ang mga magulang
na nagpalaki ng isang halimawAt sa lahat ng naiwang nakatayo
mangyari lamang ay hagkan ang isa’t isa
at yakapin ang mga sugatan
mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik
sa ating pinagmulan
manatiling masaya
at higit sa lahat magpatuloy
sa pagmamahal
(Source: facebook.com)
19-
thebravelittleone reblogged this from oneyearsixmonths and added:
this is so nice!
-
oneyearsixmonths reblogged this from shalalamei
-
shalalamei reblogged this from aroundtheworldwithmikee
-
fromdijonwithlove reblogged this from overheardattheateneo
-
aeriadbraveheart liked this
-
inwonderment liked this
-
requiemsong reblogged this from gimmick-gamer
-
czappylala reblogged this from overheardattheateneo
-
czappylala liked this
-
aroundtheworldwithmikee reblogged this from overheardattheateneo
-
qcq liked this
-
gimmick-gamer reblogged this from overheardattheateneo
-
hegemon liked this
-
positiverealruth reblogged this from overheardattheateneo
-
positiverealruth liked this
-
randomfocus reblogged this from overheardattheateneo
-
randomfocus liked this
-
blissbubbles liked this
-
marionatrandom reblogged this from overheardattheateneo and added:
This poem. This. (i will attempt a translation for you, some other time boyfie.) @:=
-
overheardattheateneo posted this